Tags

, , , , , , ,

Mula nung nakita ni Luke yung phone ni Maya noong isang gabi, hindi sya makatulog. Bakit may heart yung name ni Dad? Maybe Nikki’s right. Baka sya nga ang girlfriend ni Dad! Hindi sya mapakali. Mabait si Maya… maalalahanin, maalaga, maganda, matalino. Pero hindi pa din nya matanggap na sya ang girlfriend ng Daddy nya.

Hindi ko ma-imagine na magkakatuluyan sila. They’re too different. Hindi sila bagay. Hay, naku, nakakainis… sa isip nya at ipinikit na ang kanyang mga mata.

Pag-uwi nila ni Nikki nung gabi kinabukasan, hindi na sya nagulat na nandoon ulit si Maya sa bahay.

“Tell me the truth Ate Maya, ikaw ba yung girlfriend ni Dad?” derechong tanong ni Nikki.

Nabigla si Luke sa ganitong pagtanong ni Nikki pero di na din nya matiis kaya di nya pinigilan si Nikki. Kelangan din nyang malaman.

Hindi nakasagot si Maya at bigla nalang umalis. Yun na nga yun, malungkot na isip ni Luke. Why does it have to be like this? Mas ok naman noon, noong yaya sya ni Abby at kaibigan sya nina Luke at Nikki. Hindi naman nagpakita ang daddy nila noon ng interes kay Maya. Ngayong wala na si Maya sa bahay, may nangyayayri pala sa kanila na hindi nila ni Nikki nalalaman.

Kinabukasan, pag-uwi ni Richard, inamin nito sa kanila na girlfriend nga nya si Maya.

“Congrats Dad”, pilit nitong ngumiti, pagkatapos ay nagpaalam na umakyat sa kwarto.

Galit na galit si Luke sa sarili nya… “Sabi ko na nga ba, dapat ginawa ko na,…I should have made a move… naunahan tuloy ako ni Dad!”

(Weh!! Pang-asar lang!! Update ako mamaya sa A Twist ok?) Have a great thursday! πŸ™‚

Magtatapat na sana si Luke noon, na torpe lang...

Magtatapat na sana si Luke noon, na torpe lang…